Explore Everything There is just one life for each of us:
Our own!:)

Minsan iniisip ko nalang ano nga bang purpose mo sa buhay ko? Minsan nakakapagod na. Hindi ko alam kung gusto ko paba ipagpatuloy o hindi na. Sa buong buhay ko ngayon lang ata may lumabas sa bibig ko na bilyong bilyong salita. Nakakapagod din pala. Minsan yung taong kaharap mo kung sino yung mahal mo yun pa yung hindi totoo sayo. Yung sakabila ng mga binibitawan nilang salita sayo e sa likod ng kanilang isipan puro panghuhusga pala yung kapalit nun. I’m tired of everything. Gusto ko maliwanagan sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon.

Kilala nga ba talaga kita?

11 👎

Kung kelan ka nagmahal ng sobra sobra. Tinanggap mo buong pagkatao nila. Kahit sa anong klaseng paraan kapa nila pakitunguhan tinatanggap mo. Kahit ganun yung ugali nya kapag nagaaway kayo go lang. Mahal mo e. Tatanggapin mo lahat ng masasaklap nyang ugali. Pero lahat pala talaga ng bagay may hangganan. Darating din talaga sa point na mapapagod ka. Kaya ko to. Kakayanin ko to.

Turuan mo ang sarili mong Mag-tiis.

Pagod na pagod nako. Stressed. Sa araw araw nakakasawa na yung mga ginagawa ko. Gusto ko na ng bago. Bagong buhay. Bagong gawain. Wala lang. Yung pakiramdam na stressed na stressed ka. Gusto ko na maramdaman yung GAAN. Gusto ko na ng pampatanggal ng stress. Ngayon ko lang naramdaman yung ganto. Fed up. Gusto ko nadin magbago. Baguhin yung mga kinasanyan ko. Mga ugali ko. Yung mga pakikitungo ko sa tao. At yung sobrang pagka-attached sa isang tao. Ayoko na nun. Yun lang. Goodnight.

Sometimes Love just ain’t enough!👍

Oo, masarap magmahal, masaya, nakakakilig, may inspirasyon ka pero hindi naman palaging ganun diba? May lungkot din, may galit, may away, may nanlalamig at may hiwalayan. Bakit ganon. Kaya nga tayo nagmamahal para maging masaya diba hindi para makaranas ng sakit o hirap. Minsan dumarating sayo yung tao na mahal na mahal ka ng sobra. Tapos pagdumating na yung panahon na nakuha nya na loob mo syempre ikaw tong masaya. Naging pantay na yung pagmamahal nyo sa isat isa. Paglipas ng panahon bigla nalang nagiba yung ihip ng hangin. Nagbabago na sya. Nasasaktan ka naman. Yung ang sakit sakit na parang dinudurog ka. Okay ka naman sana noon, tas bigla silang papasok sa buhay mo. Hinayaan mo sila pero sa huli ikaw maiiwang magisa. Okay ka naman sana noon. Okay ka. Nangako silang aalagaan ka nila pero sa umpisa lang naman lahat yun. Ganon talaga siguro. What goes around comes back around. Kung nanloko ka dati ganon din siguro balik nun sayo. Wala kanang magagawa kung hindi tanggapin ang katotohanan na walang permanente sa mundong to. Kung may mawawala siguradong may dadating. Wag ka lang mawawalan ng pagasa. Hanapin mo yung sarili mo. At wag na wag kang susuko. Bumangon ka. At sinisigurado ko na may mas BETTER na darating sayo para mahalin ka ng buo at hinding hindi ka bibitawan kahit anong mangyari. Kung dati hindi mo kayang ipikit ang iyong mga mata sa tuwing may dinaramdam kang sakit sa puso ngayon sikapin mong ipikit ang mata mo para sa panibagong bukas. Sa dami na ng pinagdaanan mo sa pagibig ngayon kapa ba manghihina? Kaya mo yan.

Kristal Barrion 💔

PS: I’m back Tumbler! I miss you.

theme by Curly Tweets.